Alicia, Isabela- Kasalukuyan paring iniimbestigahan ng tanggapan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sanhi ng sunog sa isang gusali sa bayan ng Alicia, Isabela dakong alas siyete y media kagabi, Oktubre 3, 2018. Batay sa impormasyong natanggap ng RMN Cauayan, nakatanggap umano ng report ang tanggapan ng BFP at ng PNP kaugnay sa sunog kaya’t agad namang nirespondehan ng mga otoridad ang naturang insidente katuwang ang Rescue 531. Sa inisyal na imbestigasyon ay napag-alaman namang nagmula ang sunog sa ikalawang palapag ng gusali at madali umanong kumalat ang apoy dahil sa mga light materials sa loob ng gusali. Samantala, pasado alas otso naman kagabi ng maapula ang apoy habang sa ngayon ay patuloy naman ang pagtuloy ang tanggapan ng BFP kung magkano ang kabuuang bilang ng napinsala at kung ano ang pinagmulan ng sunog. Electrical Insulation Material, Laminated Sheet, Insulation Paper, Insulation Film – Yaan,https://www.yaanelec.com/